Thursday, July 21, 2005

Dapat continuation to ng entry ko kahapon. Kaso wala na akong time dahil nag RO pa ako, libre kasi. 60 na tuloy knight ko. 5 levels na lang masusuot ko na fin helm ko. Ehehehehe. Anyway, so ayun..

Naka exam ako kahapon. Pano? Tumawag lola ko sa office ng may-ari ng school at nakiusap. Kakilala kasi ni lola si Ms. Daisy Tamayo. So, I was playing Naruto kahapon, mga around 4:30 tumawag dito si lola at sinabi na makakaexam na daw ako kaya magbihis na ako. Gulat naman ako dahil nka set na sa utak ko na special exam na yung kukunin ko, tapos at the last minute eh pinapaexam nako. Aba'y talagang karipas ako sa kilos. Ligong marino na ginawa ko at halos fast walking na ginawa ko para mabilis. Naging pasaway naman ang panahon dahil lumakas bigla. Tumawid ako sa prinsa kahit ganun at nilakad ko papuntang sakayan. Para talaga akong kawawa kahapon kasi basang basa talaga ako sa ulan!

Nakarating ako sa school late at halos mapagalitan ng proctor ng exam. Pero ayos lang, nakapagexam naman ako. Madali nga eh.

PoLo whapaaakk!! @ 6:28 AM

----------

Wednesday, July 20, 2005

Hay. Hindi ako nakapasok ngayon. Pano ba naman, wala akong pambayad pangexam. Kainis nga eh. Alam ko madali lang yung exam sa PHC tska RLE. Kaya tuloy ngayon, special exams ako. Sabi nila mahirap daw yun. Pero may magagawa pa ba ko ngayon? Wala na. Yun lang talaga siguro kapalaran ko. Sana lang maging maayos ang exam ng mga classmate ko. Goodluck sa inyong lahat.

Ngayon, ano bang ginagawa ko? Wala naman. Nakakatamad magaral pag ganito ang nangyayari. Magaaral ka nga, hindi ka naman makakapasa dahil sa wala kang pera pang exam. Binabawi ko na lang sa laro ang kabagutan. Mag Resident Evil at makipagpatayan sa mga zombies, at least dun may pera kang makukuha pambili ng mga costumes at bonus add-ons. Sa laro nga lang yun.

Naalala ko, marami pa palang gagawin para sa school. May slogan at poster making pa kami as a group activity. Pano kaya yun, eh wala ako sa school? Sana naman magkaroon sila ng initiative na gawin at tapusin yun kahit wala leader nila. Magagaling naman silang lahat.

Sana marami akong pera. Para may pang exam ako. Sino ba kasing damuho ang nagimbento ng perang yan?! Pag wala ka nang papel na may kulay na yan eh talo ka na sa buhay.

Sana parang dati ulit, mga ancient times ba. Bato na lang ang pera. Madami nun dito samin. Ehehehehehe.

PoLo whapaaakk!! @ 2:55 PM

----------

Monday, July 18, 2005

Hay nako. Tagal na din bago ako nagpost dito. Iba na talaga pag 2nd year, andaming ginagawa. Dagdag pa ang gawain sa bahay at para sa sarili. Prelims na naman. Hindi ko pa alam kung makakaexam ako this Wednesday. Sana makabayad na ako. Mahirap din yung ganito. Kelangan ko pa pumunta ng Mapua dahil sa transcript of records na yan. Hinanap na naman. May appointment pa ako sa guidance sa Monday. Tapos may presentation pa sa Monday din sa PHC. Kakaloko na to!

Gusto ko na nang bagong skin sa blog ko. Kainis nga eh. Naiiwan ko na naman tong blog na to. Wala na kasing time mag-update. Siguro kung andito ang mommy ko, maaasikaso ko to ng mas maigi.

PoLo whapaaakk!! @ 11:23 PM

----------

 
Name

URL or Email

Messages(smilies)